Una sa Balita

Utang ng Amerika pumalo sa $22T

0 537

UMAKYAT na sa $22 trilyon ang utang ng Estados Unidos subalit dinededma lamang ito nina President Donald Trump at ng Republicans.

Nang umupo si Trump sa White House noong Enero 2017, nasa $19.95 trilyon lamang ang utang ng US, kapantay ng Gross Domestic Product (GDP).

Subalit dahil sa ginawang pagtapyas ni Trump sa corporate tax at sinabayan pa ng paglobo ng gastos, nagresulta ito sa pagtaas ng fiscal deficit.

Depensa naman ni Trump, kung hindi siya gumastos ng malaki para mapalakas ang military ay lalong magkakaroon ng problema ang Amerika.

Ipinagtanggol din ng kanyang mga opisyal ang ginawang pagtapyas sa corporate tax dahil kalaunan ay magreresulta daw ito ng ­paglago ng kanilang ekonomiya at revenue ng gobyerno.

Minsang nakaranas ng budget surplus ang US sa administrasyon ni Democratic President Bill Clinton, pero nabura ito dahil sa paglaki ng gastos ng sumunod na Republican president George W. Bush na kumagat sa giyera kontra Iraq.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy