Una sa Balita

Utak ng ‘rentangay’ timbog sa Laguna

By
0 6

Arestado sa isinagawang entrapment operation ng Biñan City PNP ang umano’y mastermind sa malawakang renta-sangla modus kamakalawa.

Ayon kay Atty. Ariel Inton ng commuters safety and protection, hawak na ngayon ng Biñan Police ang umano’y mastermind na si Rafaela Anunsacion at kasamahan na si Tychicus Nambio.

Naaresto ang dalawa sa tulong na rin ng mga miyembro ng Philippine Network Transport Organization, kung saan marami sa kanilang miyembro ay nabiktima rin ng mga suspek.

Nangangamba naman ang mga biktima na makapagpiyansa ang mga suspek na nagsabi pa umano na mayroon na silang ticket patungong London.

Dahil dito, nakatakdang makipagkita ang mga biktima at tumatayong abugado ng ilan sa kanila na si Atty. Inton kay Justice Secretary Vitalliano Aguirre upang maisama sa lookout bulletin ang dalawang suspek.