Una sa Balita

‘Utak’ ng rent-tangay, laya sa piyansa

By
0 5

Pansamantalang ­nakalaya ang ­itinuturong mastermind sa ­“Rent-Sangla” Scam na si Ra­faela Anunciacion.

Ito ay matapos siyang maglagak kahapon ng ha­lagang P40,000 na bail ­ayon sa Bureau of Jail Ma­nagement and Penology.

Si Anunciacion ay ­nakulong noong Huwebes matapos na ito ay maaresto sa isa sa kanyang mga bahay sa Sta. Rosa, Laguna.

Siya ay inaresto sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Francisco Pano ng Regional Trial Court Branch 93 sa San Pedro sa kasong estafa, na isang bailable offense.

Ang operasyon ng grupo ni Anunciacion ay ­kumikilos sa buong CALA­BARZON, ­Central Luzon at Metro Manila na kinasasangkutan ng nasa 1,800 sasakyan.

Nasa 466 na mga ­kotse at SUV na ang narerekober ng Highway Patrol Group sa kanilang mga operasyon mula noong January.

Ayon sa HPG-CALA­BARZON, nasa 80 kaso na ng large scale and syndicated estafa ang naisampa sa grupo kabilang si Anunciacion su­balit hindi pa lang umano lumalabas ang warrant.