Una sa Balita

Utak ng paniki tustado sa heatwave sa Australia

By
0 1,610

Daan-daang pa­niki ang namatay sa mainit na panahon sa Australia, kung saan marami sa kanila ay nahuhulog na lang sa kanilang sinasabitan dahil mistulang prinito ang kanilang utak sa lumalagablab na temperatura.

Ito’y matapos pumalo sa 45 Celsius ang init sa Campbelltown, nasa kanlurang bahagi ng Sydney.

“They basically boil,” pagsisiwalat ni flying fox colony manager Kate Ryan.

“It affects their brain – their brain just fries and they become incohe­rent. It would be like standing in the middle of a sandpit with no shade,” dagdag pa niya.

Ang flying fox, pinakamalaking paniki sa Australia, ay itinuturing pa ma­ndin na ‘vulnerable species’ kung saan ang kanilang populasyon ay nasa ‘critical priority’ na.