Una sa Balita

Utak ng fake news sa pagkamatay ni Duterte ‘di kakasuhan ng Palasyo

By
0 671

Walang plano ang Malacañang na habulin at kasuhan ang nasa likod ng ikinalat na fake news na namatay na si Pangulong Rodrigo Duterte.

Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na sanay na sila na ‘pinapatay’ ang Presidente sa social media kaya hahayaan na lamang ang mga gumagawa nito.

Ayon kay Panelo, galing sa mga kalaban at kritiko ng Pangulo ang ulat at sinasadya nila ito pero hindi naman aniya pinapansin ng mayorya ng mga Pilipino.

Naniniwala ang kalihim na hindi ordinaryong tao ang nagpakalat ng balitang patay na ang Pangulo.

“Wala, ordinaryo na yan eh. We are used to that anyway so let it be,” ani Panelo.

Hindi naman aniya nagtagumpay ang mga naghaha­ngad ng masama kay Pangulong Duterte dahil hindi naman ito pinaniwalaan ng mga supporter ng Presidente sa social media.

“It looks like the majority of the Filipinos are not affected by it. That’s the intention but it does not affect them anyway. Matagal na yang kinakalat na yan, wala namang naniniwala, natatawa na lang nga eh,” dagdag pa ni Pane­lo.

Si Madam Honeylet Avanceña aniya ang may ideya na mag-live sa facebook si Pangulong Duterte para matigil na ang mga haka-hakang pumanaw na ito.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy