Una sa Balita

Utak ng Bikoy narco video huhubaran ni Duterte

By
0 404

Nakatakdang hubaran ng maskara sa publiko ni Pa­ngulong Rodrigo Duterte ang mga nasa likod ng narco video ng nagpakilalang ‘Bikoy’ na nag-aakusa sa kanya at sa kanyang pamilya na tumatanggap umano ng drug money sa sindikato ng droga.

Sa kanyang talumpati sa campaign rally ng PDP-Laban sa Tuguegarao City, Cagayan Martes nang gabi, sinabi ng Pangulo na mayroon siyang impormasyon kung sino ang mastermind sa mga gawa-gawang istorya laban sa kanya at sa kanyang pamilya.

Napakinggan aniya ang pag-uusap ng mga nasa likod ng black propaganda at ilalabas niya ito sa mga susunod na araw.

Sinabi pa ng Pangulo na kaibigang bansa na may kakayahang mapakinggan ang pag-uusap ang nagbigay sa kanya ng impormasyon kaya nalaman kung sino ang mga ito.

“Alam mo, marami ko rin kaibigan sa ibang bayan. What you did not know is that  you were being listened to habang ginagawa ninyo ‘yung kalokohan ninyo. Ilabas ko ‘yan in a few days,” anang Pangulo.

Sinabi ng Presidente na pati ang anak niyang si Veronica o ‘Kitty’ na katorse anyos ay idinamay sa narco video.

“Pati ‘yung anak kong si Veronica, 14 years old, drug addict? May ipalabas ako just wait,” dagdag pa ng Pangulo.

Isa aniya itong intelligence report na nagmula sa ibang bansa kaya ibubunyag niya kung sino ang nasa likod ng paninira sa kanya at sa kanyang pamilya, pati na sa kanyang dating top aide na si Bong Go.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy