Una sa Balita

UST sinibak ang FEU haharapin ang UP

0 543

MATAGUMPAY na napataob nina Soulemane Chabi Yo at ng ­University of Santo Tomas (UST) ­Growling ­Tigers ang Far Eastern ­University (FEU) Tamaraws, 81-71, sa ­matinding tapatan ng stepladder semifinals ng UAAP Season 82 men’s basketball tournament Miyerkoles nang gabi sa Smart Araneta Coliseum.

Pinangunahan ni Season 82 Most Valuable Player (MVP) Chabi Yo ang UST sa ikinamadang 25 points, 11 ­rebounds at tatlong assists.

Sunod na haharapin ng No. 4 UST ang No. 2 seed UP Fighting Maroons na may twice-to-beat advantage.

Sa first half, tinambakan agad ng Growling Tigers, 54-28, ang Tamaraws, na-eject si FEU big man ­Barkley Eboña sa 1:19 mark ng ­second quarter, nakontrol pa ng UST ang pagbulusok ng FEU sa third ­canto ng laban.

Pagsapit ng 6:37 ng huling yugto, nakadikit pa ang Tamaraws, 70-65, ngunit nanaig hanggang sa huli ang Growling Tigers.

“Nothing comes easy. That has been always our season. Walang ­madali. Right from the start ‘yung season ­namin talagang mahirap,” ­pahayag ni UST head coach Aldin Ayo.

Katulong din sa panalo ng UST sina Brent Paraiso na umiskor ng 18 points at Renzo Subido na may 14 points. (Janiel Abby Toralba)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More