Una sa Balita

UST golf tourney kasado

0 2

Lilikom ng pondo para sa Thomasian athletes na kakampanya sa ihu-host ng University of Santo Tomas na 79th UAAP sa isasagawa ng UST Office of Alumni Relations at UST Alumni, Inc. na 1st UST Rector’s Cup Alumni Golf Tournament 2016 sa Hulyo 28 sa Tagaytay Midlands Golf & Country Club sa Cavite.

Inisyatiba ni Fr. Rector Herminio V. Dagohoy, O.P., asam ng event na mabadyetan ang mga manlalaro ng UST na kakasa sa papasok na UAAP season.

Tinatawagan ang mga alumni at guests na lumahok sa Rector’s Cup, may competition sa individual at team plays. Maraming giveaways at raffle prizes tampok ang Foton Toplander SUV para sa golfer na makaka-hole-in-one.

Si renowned sculptor Arch. Ramon Orlina ang nagdisenyo ng Perpetual Trophy para sa tourneo na na magiging taunan na.  Ang registration sa game day ay sa 6 a.m., ceremonial tee-off ng 7:30 a.m. at ang shot gun start ay 8 a.m.

Sa registration at sponsorship: telephone 406-1611 local 8571-8556, 0939-927-5174 / 0915-634-5896 o email eventsustalumnirelations@gmail.com at hagilapin si Jaika Corpus.