Una sa Balita

UST chorale, unang Pinoy group na nagtanghal sa basilica ng Spain

0 69

UMUKIT ng kasaysayan ang chorale ng University of Santo Tomas (UST) matapos kilalanin bilang kauna-unahang Filipino choir na nagtanghal sa makasaysayang Basilica de Sagrada Fami­lia, isang Roman Catholic Church sa Barcelona, Spain kamakailan.

Ito ang ika-34 international concert tour ng UST singers, pero ang pinakamahalaga dito ay humataw sila sa historical basilica na idinesensyo ng world renowned architect na si Antoni Gaudi.

Ang pag-awit ng choir sa makasaysayang basilicia ay bunga na rin ng palagian nilang pagwawagi sa Certamen Internacional de Habaneras y Polifonia sa Torrevieja, Spain mula noong 2010.

Ang choir, itinatag noong 1992, ang kumatawan sa Pilipinas sa nakalipas na 23 internatio­nal choral competitions, kung saan sumungkit sila ng 82 top prize.

Sila ang natatanging choir na dalawang beses na nanalo sa Choir of the World-Luciano Pavarotti Grand Prize sa Wales, United Kingdom noong 1995 at 2010.