Una sa Balita

UST beach spikers kampeon

By
0 96

Hindi nakuha sa umaga kaya sa tanghali hinablot­ nina Cherry Rondina at Jem Gutierrez ang titulo para sa University of Sto. Tomas matapos kalusin sina Bernadeth Pons at Kyla Atienza, 21-17, 21-10 ng Far Eastern University kahapon sa Game 3 Finals ng UAAP Season LXXIX beach volleyball tournament sa SM Sands by the Bay.

Nakapuwersa ng do-or-die match ang Lady ­Tamaraws nang suwagin nila ang come-from-behind,­ 17-21, 21-17, 15-13, win sa Game 2 (umaga) kontra­ Tigresses.

Nagwagi sina Rondina at Gutierrez sa Game 1 noong Sabado.

Umarangkada agad sina Rondina at Gutierrez sa Game 3, abante sila ng 4-0 at dahil halatang pagod na sina Pons at Atienza ay hindi na sila nakasabay sa ­tikas ng Tigresses duo.

Naibalik sa UST ang titulo matapos maagaw ng De La Salle Lady Spikers nakaraang taon.

Hindi naman nagpadaig ang men’s team ng UST, nilapa nina KR Guzman at Anthony Arbasto sina Jude Garcia at Jeremiah Barrica, 21-16, 21-16 ng FEU sa Game 2 para hablutin ang korona.

Nakumpleto ng Tigers ang nine-game sweep sapat para makopo ang titulo.
Tinanghal na MVP ang 20-year-old na si Guzman.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy