Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Usec tulo-laway sa puwesto ng amo kaya papansin kay Digong

0 36

Marami ang nakakapuna sa madalas na pagpapa-interview sa radio at television network ng maepal na undersecretary ng isang kagawaran.

Halos daigin pa nga raw niya ang opisyal na tagapagsalita ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa laki ng nakukuha niyang media mileage, aba’y nasapawan pa niya ang mga senador at mga kongresista.

Pero kung inaakala ninyong nagbabalak siyang tumakbong senador o congressman, nagkakamali po kayo dahil hanggang 2,000 lang ang nabobola niyang consti­tuent sa kanilang siyudad.

Sa impormasyong nakalap ni Mang Teban, may ibang agenda pala itong maapel na undersecretary dahil type nitong maging kalihim ng kanyang pinagtatrabahuan.

Balak daw kasi ng kanyang boss na mag-resign na lamang dahil sa health condition nito kaya nakaisip ng pagkakataon ang kumag na makapagpalapad ng papel.

Kaya ang enemy number 1 ni Digong, pinatos din ng opisyal kahit na lumabas siyang gunggong sa madlang pipol.

Pintahan n’yo na. Ang Usec na nagpapalapad ng papel para maging kalihim ay may letrang E sa kanyang pangalan as in Epal!

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.