Una sa Balita

Usec ikinama ng boss

By
0 33,516

SINO daw itong undersecretary ng isang ahensiya ng gobyerno ang nagkaroon ng relasyon sa kanyang boss?
Nakarating sa impormasyon ng petmalung spy na si Mang Teban, tinikman daw ni Secretary ang kanyang undersecretary nang minsang magkasama ang dalawa sa biyahe.

Hindi raw napigilan ng opisyal ang kanyang libog nang masolo ang kasamahan sa trabaho.

Kunsabagay, kahit sinong lalaki, pagnanasaan pa rin ang usec dahil kahit may edad na ito ay yummy pa rin ang kartada.

Ang classic nito, parehong pamilyado ang dalawa kaya sobrang ingat ng mga ito na hindi mabuking ang bawal nilang relasyon.

Mukhang madalang daw diligan itong lady official kaya naman nakaiskor itong matulis na secretary, aba’y dagdag rin ito sa kanyang resume o listahan ng mga babaeng nagdaan sa kanyang kilikili, eheste, sa kanyang palad.

Pintahan niyo na. Ang Cabinet member na umiskor sa kasamahan sa trabaho ay may kamag-anak na politiko. May letrang R sa kanyang pangalan as in Robust.