Una sa Balita

USCIS sa ‘Pinas isinara

0 372

TULUYAN nang hinigpitan ng Estados Unidos ang pagpasok ng mga gustong mag-immigrate sa kanilang bansa matapos ang permanenteng pagpapasara sa United States Citizenship and Immigration Services (USCIS) simula sa Hul­yo 5, 2019.

Ang naturang hakbang ay tugon sa plano ni US President Donald Trump na mabawasan ang mga Pilipinong pumapasok sa kanilang bansa at limitahan ang ligal at iligal na immigration

Nabatid sa pahayag ng USCIS Manila field office, ang mga Forms I-130, Petition for Alien Relative, ay ilalagay sa USCIS Lockbox sa Mayo 14, 2019.
Ang paghahain ng nabanggit na form ay unang hakbang na ginagawa ng isang permanenteng residente ng US para matulungan ang kanilang mga kamag-anak na makapag-immigrate sa US.

“The US Embassy in Manila will assume responsibility for certain limited services previously provided by USCIS to individuals residing in the Philippines,” ayon sa USCIS.

Gayundin, nagbigay ng instruksyon ang USCIS para sa mga indibiduwal na una na nilang naasistihan na tingnan ang kanilang mga susunod na hakbang na gagawin sa website.

Bukod sa serbisyong pagtulong sa mga US citizen na makuha ang kanilang kamag-anak, kabilang pa sa ibinibigay na serbisyo ng USCIS, ang pagproseso sa refugee applications, pagsasaayos ng overseas citizenship applications at pag-asiste sa ampon ng dayuhang bata.

Ang USCIS officers abroad ang tumitingin kung peke ang visa qpplications at nagkakaloob ng technical immigration advice sa ibang mga US government official.

Noong mga nakalipas na panahon ipinasya na rin na isara ang kanilang indibiduwal na tanggapan base sa demand ng kanilang serbisyo.

Sa Moscow ang kanilang field office ay permanente na ring isinara noong nakalipas na Marso dahil sa pagbaba ng workload. (Juliet de Loza-Cudia)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy