Una sa Balita

USC, PUP, UE Top 5 sa civil engineer exam

0 545

BUMIDA sa Civil Engineer Licensure Examination ng Professional Regulation Commission (PRC) ang University of San Carlos (USC), Polytechnic University of the Philippines (PUP) at University of the East (UE).

Sa 15,075 na kumuha ng exam ay nasa 6,510 lamang ang nakapasa.

Nanguna si Lou Mervin Tristan Pua Mahilum ng USC sa Cebu City, pangalawa si Jeremy Recinto Rifareal ng PUP at Christian Mark Nagrejo Macapagao ng UE-Caloocan.

Pasok sa pang-apat si Brandon Calvin Quisado Go ng Cebu Ins­titute of Technology University at panlima si John Mark Año Guimba ng University of the Philippines-Diliman.

Namayagpag naman bilang top performing school ang Carlos A. Hilado Memorial State College-Talisay, University of the Philippines-Los Baños, Bohol Island State University-Tagbilaran, UP-Diliman, University of Pangasinan, University of Santo Tomas, at Central Phili­ppine University sa ginanap na exam nito lang Nobyembre ngayong taon. (Vick Aquino)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy