Una sa Balita

Usapang sabong kay Boss Baham

0 268

Magandang araw mga klasmeyt, nitong nakaraang Linggo lang ay nag-cover ako ng 12th Philippine Sports Commission Batang Pinoy National Championships 2019 sa Puerto Princesa City, Palawan. Nagkataon naman na naroon si Games and Amusement Board (GAB) chairman Abraham “Baham” Mitra at inimbitahan kaming mga Manila-based sportswriters sa Blue Palawan Beach Club para mananghalian bago siya bumalik ng Maynila.

Sakto naman dahil sa Blue Palawan ginaganap ang Batang Pinoy Beach Volleyball, nagkuwento siya tungkol sa kanyang trabaho bilang chairman hanggang mapunta sa usapang sabong at masaya namang nakikinig ang iba nating klasmeyt sa trabaho.

Alam naman natin na sikat na breeder ang ama ni Baham na si former House Speaker Ramon ‘Monching’ Mitra, Jr.

Mga kasabong, ang saya ng pakiramdam kapag ang pinag-uusapan ay tungkol sa manok, siyempre nakikinig ako dahil alam kong marami akong mapupulot na aral at teknik sa pagmamanok, dami naming napag-usapan na mga bigatin at sikat na breeders at sabungero tulad nina Boss Gerry Ramos, Boss Charlie ‘Atong’ Ang, Boss Biboy Enriquez at marami pang iba.

Sayang lang at ‘di kami nakapasyal sa manukan nila. Kay Boss Baham salamat po sa inyo, ang sarap ng mga kinain namin, salamat din po sa pagpapahiram niyo sa amin ng sasakyan.

Siya nga pala, abisuhan ko na kayo mga kasabong, kapag kumpleto na mga bloodline na hinahanap ko ay mag-start na po ako mag-breed. Siyemre business pero bago tayo mag-share ng na breed ko ay susubukan muna natin sila para ‘di naman ako mapahiya sa inyo kapag nais niyong kumuha ng mga warrior ko.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy