Una sa Balita

Usapang genetics (2)

0 150

Para sa linggong ito ang pag-uusapan natin ay patungkol sa genes para sa kalusugan at kalagayan ng katawan o health and wellbeing.

Sa maka­bagong ­panahon ngayon sa ­larangan ng siyensya at medisina ginagamit para makatulong sa mga may sakit at sa mga kamag-anak ng may sakit ang genetics. DNA o deoxyribonucleic acid ang tini­tingnan dito. Madaming pinaggagamitan nito na madalas madidinig.

Ang ilan nito ay ang genetic testing para ma­laman ang identification ng isang indibid­wal tulad ng ginagamit ng pulisya at militar, gaya ng mga napapanood sa telebisyon at pelikula para ­mahuli ang mga criminal.

Ang isa pa’y para ma­laman kung may mga specific disease genes gaya ng cancer, at posi­bilidad na magkaroon nito. Katulad ng sikat na aktres na si ­Angelina ­Jolie na nabalitaan na nagpaopera dahil ­nakitaan siya ng breast ­cancer genes. Ang ­madalas na ­pinagagawa naman ng iba ay ang ­paternal testing na ­siyang nakakapagpatunay kung ang bata ay tunay na anak ng kanyang ama.

Ngayon, may isa pang indikasyon para magamit ang DNA, ito’y sa pagpigil ng karamdaman o health and wellbeing.

Ang genes ay namamana natin sa ating mga magulang. Salamat kay itay at inay, at sila ang nagbigay ng ating mga katangian. Kalahati ­galing kay itay, kalahati galling kay inay.

Ang tanong ay alin sa kanilang mga genes ang talagang nakuha natin. Kung kaya’t kahit sa mga magkakapatid may mga genes na ­magkakapareho, at mayroon din namang pagkakaiba.

Ilang libo rin naman ang mga genes natin at ilang milyon din ang mga kumbinasyon nito. Ngunit hindi naman kinakaila­ngan tingnan lahat para sa kalusugan natin. Maaari na ngayong makita ang ilang genes para sa health and wellbeing.

Sa kasalukuyan, may mga 58 genes ang tinitingnan natin. Kapag ­tiningnan ang resulta’y mistulang ­parang traffic light ang mga ito. Mga colored dots na berde, dilaw, at pula. Ang berde’y ang genes na kapaki-­pakinabang, ang dilaw at pula naman ay genes na hindi kapaki-­pa­kinabang. Ito’y hindi na mapapalitan at forever na ang mga resulta ninyo.

Hindi ibig sabihin na kung maganda ang ­resulta ay maayos na kayo at kung hindi ay sakitin ­naman. Dahil itong 58 na genes ay maaaring magbago sa kanilang expression o pagpapahayag. Ibig sabihin kung maganda ang mga genes ay sigu­raduhin na tama ang pagkain, kilos at galaw, para manatili ang ­ka­gan­dahan nito. Kung sakaling hindi maganda o ­mababa ang ­benepisyo, hindi kinakailangan ­maging kapalaran ang mga ito, basta umiwas sa mga masamang bisyo at kung kinakaila­ngan ay ­puwedeng iminom ng mga supplement.
Ipagpapatuloy natin ang usapang genetics sa susunod na Martes!

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy