Una sa Balita

USA Team kulang sa superstars

0 4

HOUSTON — Nahanay si James Harden sa humahabang pangalan ng mga NBA stars na umaayaw maglaro sa 31st Summer Olympic Games 2016 sa Agosto 5-21 sa Rio de Janeiro, Brazil.

Inamin noong Sabado (Manila time) ni Harden na nakipag-ugnayan na siya USA Basketball at pinabatid niyang hindi aniya siya makakalaro sa Rio, ang anunsyo niya’y ilang oras lang ang pagitan sa pag-pull out din ni Russell Westbrook. Nag-withdrew rin sa linggong ito si Stephen Curry.

Nakalaro na si Harden sa US na mga humarbat ng gold sa 2012 London Olympics at 2014 Spain Basketball World Cup at sa statement na pinalabas ng Houston Rockets nilarawan niya ang karanaasaan doon na, “most meaningful personal and professional accomplishments of my life.”

Walang binigay na rason ang All-Star guard sa kanyang desisyon at umaasang makakalaro pa rin siya ulit sa susunod na mga panahon.

Nauna pa sa grupo na nagpasabing di siya pwede sa American quintet sa Rio si Russell Westbrook, ang sumunod kay Stephen Curry na tumanggi makaraan siyang makunsidera.

Matapos kumunsulta sa kanyang pamilya, inihayag ni Westbrook ang desisyong mag-pass muna sa pagsama sa koponan ng Amerika.

“This was not an easy decision, as representing my country at the World Championships in 2010 and the Olympics in 2012 were career highlights for me,” kuda ni Westbrook. “I look forward to future opportunities as a member of USA Basketball.”

Noong nakaraang linggo lang ay inihayag din ni NBA back-to-back MVP Stephen Curry ang desisyong lumiban din sa pagsama sa USA Team sa Rio Games.