Una sa Balita

USA nagkasya sa 7th place

0 265

KONSUWELONG 7th place ang nakuha ng USA kasunod ng 87-74 panalo sa Poland sa classification game ng FIBA World Cup 2019 sa Wukesong Sports Arena sa Beijing, China kagabi.

Agad na nagpakawala ng tatlong sunod na tres sina Joe Harris, Donovan Mitchell at Harrison Barnes upang umabante, 9-4, bago tuluyang dinomina ang laban tungo sa pinakamababa nitong naabot na puwesto sa prestihiyosong torneo.

Unang itinala ng USA, na nakapagkuwalipika na sa 2020 Olympics, ang 11-6 run sa unang yugto bago tinapos ang quarter sa 28-14 abante. Itinala nito ang pinakamalaking 31-14 abante sa second quarter bago na lamang inawat ang lahat ng mga pagtatangka ng Poland.

Nakalapit ang Poland hanggang pitong puntos na lamang sa iskor na 70-63 subalit muling lumayo ang USA sa kalagitnaan ng ikaapat na quarter.

Pinamunuan ni Mitchell ang USA sa itinalang 16 puntos, 3 rebounds, 10 rebounds at 1 steal.

Kasunod nito si Joe Harris na may 14 puntos, Khris Middleton na may 13 at si Derrick White na may 12 puntos. (Lito Oredo)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy