Una sa Balita

US walang palabra de honor, Canada torpe – Duterte

By
0 1,597

Muling nakatikim ng banat kay Pangulong Rod­rigo Duterte ang United States of America at Ca­nada dahil sa mga hindi naisakatuparang transaksiyon para sa mga kagamitan ng Armed Forces of the Philippines (AFP).

Sa kanyang pagdalo sa isang dinner concert sa Pasay City noong Huwebes ng gabi, hindi naiwasang ibulalas ng Pangulo ang ngitngit sa Amerika dahil nangako aniyang tumulong pero hindi naman tinupad.

Tinukoy ng Pangulo ang ginawang pagharang ng dalawang Amerikanong mambabatas sa transaksiyon ng bibilhing mga armas kaya hindi natuloy.

Ganoon din aniya ang nangyari sa bibilhin sana ng gobyerno na mga helicopter sa Canada na hindi na itinuloy dahil sa panghihimasok kung saan ito dapat gamitin.

“Kaya sabi ko itong Amerikano, I do not care how it happened or how it came about na ganu’n. Basta sa akin, ang Amerikano does not have a word of honor, period. Do not give me that s***. You promised to help us. Canada isa ring torpe,” ang inis na pahayag ng Pangulo.

Huwag aniyang maniwala sa mga puti dahil ‘bugok’ ang mga ito.

Sinabi ng Pangulo na kung sa Pilipinas kukuha ng Bar exam ang mga Amerikano at Canadian ay tiyak na babagsak sa eksaminasyon ang mga ito.

“Kaya itong mga… huwag kayong maniwala nitong mga puti, mga bugok ‘yan. Eh sa totoo lang, kung kukuha ng Bar dito sa atin ‘yan, hindi papasa ‘yan. Talagang bugok,” dagdag pa ng Pangulo.