Una sa Balita

US visa ng mga Pinoy, tuloy lang

By
0 3

Patuloy na tatanggap ang US Embassy sa ­Pilipinas ng mga aplikasyon para sa US Visa.

Inihayag ito ng US embassy kasabay nang paglilinaw na hindi kasama ang Pilipinas sa listahan ng mga restricted country sa ipinalabas na bagong executive order on travel ng kanilang gobyerno.

Sa ilalim ng bagong kautusan ang may 90-araw lamang na suspensiyon ng pagpasok sa Estados Unidos ay mga foreign nationals mula sa Iran, Libya, ­Somalia, Sudan, Syria at Yemen, maliban na lamang kung may hawak na balidong visa ang mga ito.

“@USEmbassyManila welcomes all ­Filipino ­visa applicants! The Philippines is NOT on the restricted country list in the new EO,” bahagi ng ­advisory ng US Embassy sa kanilang Twitter ­account.