Una sa Balita

US trip ni Duterte itinanggi ng palasyo

0 354

WALA pang plano si Pa­ngulong Rodrigo Duterte na bumiyahe sa Amerika.

Ito ang inihayag ni Presidential Spokesman Salvador Panelo bilang tugon sa pahayag ni Philippine Ambassador to the United States Jose Romualdez na bibiyahe sa Amerika ang Pangulo.

Ayon kay Panelo, matagal nang sinasabi ni Ambassador Romualdez ang US trip ni Pa­ngulong Duterte subalit hindi ito napag-uusapan sa Palasyo.

“Matagal na niyang sinasabi iyon, noon pa iyon. The latest eh wala pa, wala pang latest,” ani Panelo.

Sinabi ng kalihim na depende rin kung ano ang imbitasyon at kung sino ang mag-iimbita sa Presidente sakali mang magtungo ito sa Amerika.

Matatandaang iniha­yag ni Pangulong Duterte sa kanyang nakalipas na talumpati na ayaw niyang tumapak sa Amerika matapos ihayag ng dalawang mambabatas na hindi siya welcome sa White House dahil sa isyu ng human rights.

Ikinatwiran ng Pa­ngulo na malayo ang biyahe at hindi nito matagalan ang malamig na klima sa Estados Unidos. (Aileen Taliping)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy