Una sa Balita

US, Taiwan arms deal inawat ng China

0 374

Hiniling ng China sa Estados Unidos ang agarang pagkansela sa US$2.2 bilyong arms sale sa Taiwan kabilang ang battle tank at anti-aircraft missile.

Sinabi ni Foreign Ministry spokesman Geng Shuang,­ na naghain na sila ng diplomatic channels para kontrahin ang nasabing hakbang dahil magdudulot ito ng kaguluhan sa rehiyon.

Isa rin itong paglabag sa one-China principle.

Nagbanta pa ito na magkakaroon ng lamat ang relasyon ng US at China.

Matatandaang 1949 ng humiwalay ang Taiwan sa China subalit ipinagpipilit pa rin ng Beijing na bahagi pa rin nila ang Taiwan.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy