Una sa Balita

US senator umaming rape victim

0 527

Isiniwalat ng kauna-unahang babaeng Air Force fighter pilot at kasalukuyang United States Senator Martha McSally na naging biktima ito ng panggagahasa.

Sa gitna ng hearing ng Senado kaugnay ng sexual­ assault sa military, hinayag ni McSally, 52, at nagsilbi sa Air Force nang 26 taon, na ni-rape ito ng kanyang superior officer.

Ayon sa senador, hindi ito nagsalita simula nang magretiro noong 2010, dahil wala umano itong tiwala sa sistema ng hustisya nang panahong ‘yun. Sinubukan nito na i-report sa mas mataas na opisyal ang nangyaring insidente, ngunit tulad ng ibang naging biktima ay pinatahimik lamang siya.

“I blame myself. I was ashamed and confused. And I thought I was strong but felt powerless,” ani McSally.

Gayunman, hindi pinangalan ng senador kung sino ang nanggahasa sa kanya, at kung nangyari ito habang nasa academy pa o kung nasa active duty na ito.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy