Una sa Balita

US Senator McCain may brain cancer

By
0 0

Inoperahan sa utak si US Sen. John McCain matapos na na-diagnosed na mayroong brain cancer.

Kinumpirma ang o­perasyon ng mismong mga doktor ni McCain na mula sa Mayo Clinic.

Nabatid na unang natuklasan sa isinagawang eksaminasyon na si McCain ay mayroong primary glioblastoma na isang uri ng brain ­tumor.

Abante Hiring – IT dep

Ang glioblastoma ay isang agresibong tumor na tumutubo sa tissues ng utak at spinal cord.

Nabatid na tumagal ng tatlo hanggang apat na oras ang operasyon.

Ayon sa isinagawang brain scan matapos ang operasyon, nakuha na umanong lahat ang tumor sa utak ng Senador at nagpapagaling na ito sa kanyang tahanan sa Arizona.

Si McCain ay Repub­lican senator ay datin­g kumandidato bilang pa­ngulo ng Amerika kung saan tinalo ito ni US Pre­sident Barack Obama.