Una sa Balita

US senator dedma sa PH ban

0 613

Dinedma lamang ni US Senator Patrick Leahy ang pinairal na ban ng administrasyong Duterte sa pagbisita niya sa Pilipinas.

Imbes na matakot, ginatungan pa niya ang sinakyang isyu tungkol sa hindi tamang pagpapakulong kay Senador Leila de Lima.

Ayon sa kampo ng US senator, karapatan ng bawat Pilipino ang malayang pamamahayag.

Ang kasong kinasasangkutan aniya ni De Lima ay politicaly motivated.
Sina Leahy at Senador Richar­d Durbin ang dalawang senador na ipina-ban ni Pangulong Rodrigo Duterte dahil sila ang pasimuno ng hakbang para mapagbawalan sa Amerika ang mga opisyal ng gobyerno na sangkot sa pagpapa­kulong kay De Lima.

Nagbanta rin si Pangulong Duterte na ipatutupad niya ang no visa, no entry sa mga Amerikano kapag tuluyang pinatupad ang ban sa kanyang mga opisyal.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More