Una sa Balita

US sasaklolo sa mga biktima ng Taal eruption

0 474

WASHINGTON, DC — Naglabas ng Natural Disaster Alert ang State Department para sa mga amerikanong nasa Pilipinas dahil sa pag-aalburuto ng bulkang Taal sa Batangas.

Sa pamamagitan ng US Embassy sa Manila, inaabisuhan nito ang kanilang mga mamamayan na nasa Pilipinas na iwasang magtungo sa mga bayan sa Batangas na apektado ng pagsabog ng bulkan.

Partikular na binangit sa Natural Disaster alert ang mga high-risk barangay sa bayan ng Agoncillo at Laurel sa Batangas.

Pinaiiwasan din nila sa mga US citizen ang pagpasok sa tinakdang danger zone at manatiling i-monitor ang abiso ng DOST-PHIVOLCS.

Pinapayuhan din nila ang mga ito na sumunod sa mandatory evacuation na ipinatutupad ng local government.

Mino-monitor ng US Embassy Manila ang aktibidad ng Bulkang Taal na ngayon ay nana­natili sa alert level 4 kung saan mataas ang posibilidad ng isang hazardous explosive eruption.

Nakahanda ang US State Department na magpadala ng tulong kung kakailanganin ng Pilipinas

Samantala, naghahanda na ang iba’t ibang grupo ng Filipino community sa New York para magpadala ng tulong sa libo-libong biktima

Ayon kay Hijos de Davao USA, Inc. President Frances Mabel Acosta pinag-uusapan na ng kanilang grupo ang pagpapadala ng N95 face mask para sa mga apektado ng lugar.

Sinabi naman ni Flo Coronel, isa sa mga community leader sa Queens, New York na lilikom sila ng pondo para matulungan ang mga biktima sa lalong madaling panahon. (Dave Llavanes Jr.)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More