Una sa Balita

US priest nagnakaw para sa luho, mga boylet

0 281

ISANG Katolikong pari sa Pennsylvania ang inaresto sa pagnanakaw ng halos $100,000 sa kanyang pinaglilingkurang simbahan at ginastos ito sa beach house, biyahe, pagkain kasama ang sinasabing mga karelasyong lalaki, ayon sa ulat ng USA Today.

Kinilala ang suspek na si Father Joseph McLoone, 56 na kinasuhan ng felony theft and related crimes dahil sa paglustay sa pondo ng simbahan, ayon kay Chester County District Attorney’s Office.

“Father McLoone held a position of leadership and his parishioners trusted him to properly handle their generous donations to the church,” ayon kay District Attorney Chief of Staff Charles Gaza.

Inilipat din umano ng pari ang lahat ng kita ng simbahan sa kanyang personal account.

Natuklasan din ng mga awtoridad na nagwi-withdraw ang pari sa Ocean City, New Jersey kung saan ito ay may bakasyunang bahay.

Namudmod din umano ang pari ng libo-libong dolyar sa mga lalaking karelasyon na natuklasan sa Square, isang mobile credit card payment service, at JPay, isang app kung saan maaaring magpadala ng pera.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy