Una sa Balita

US plane bumagsak, 9 patay

0 429

SIYAM ang patay, kabilang ang dalawang bata, habang tatlo naman ang sugatan matapos maganap ang isang plane crash sa South Dakota sa America nitong Sabado.

Bumagsak ang isang Pilatus PC-12 na pa­punta sanang Idaho matapos ang take off, higit isang kilometro mula sa Chamberlain Airport, ayon sa Federal Aviation Administration (FAA).

Kasama sa nasawi ang piloto ng eroplano, ayon kay Brule County state attorney Theresa Maule Rossow.

Dinala naman ang tatlong sugatan sa isang ospital sa Sioux Falls.
Ayon sa FAA, ang National Transportation Safety Board ang mangunguna sa imbestigasyon.

Matatagpuan ang South Dakota sa Nor­thern Plains na nakararanas ngayon ng blizzard o snowstorm. Patuloy rin ang winter storm warning sa Brule County hanggang ngayong linggo, ayon sa kanilang state weather bureau. (RC)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy