Una sa Balita

US Open: Stephens vs Keys sa women’s final

Tuwang-tuwa sina Madison Keys (kaliwa) at Sloane Stephens matapos talunin sina Coco Vandeweghe at Venus Williams, ayon sa pagkakabanggit, para isaayos ang final match sa US Open. (AFP)
0 3

NEW YORK (AFP) — Tatlong buwan pa lang ang nakalilipas ay binagabag ng injuries sina Americans Sloane Stephens at Madison Keys.

Matapos magpagaling, pasok ang dalawa sa kanilang unang Grand Slam final ng US Open, Huwebes (Biyernes sa Manila).

Si Stephens, umabsent ng 11 months bunga ng left foot injury bago naka­balik noong Hulyo, ay nanaig kay seven-time Slam champion Venus Williams, 6-1, 0-6, 7-5.

Abante Hiring – IT dep

“I’m super happy to be in a Grand Slam final,” ani Stephens. “To do it here, my home slam, is obviously more special. I think this is what every player dreams about.”

Habang si US 15th seed Keys, na bumitiw sanhi ng left wrist surgery sa ika­lawang pagkakataon sa loob ng 10 months matapos ang first-round ng French Open, ay tinalo si 20th seed Coco Vandeweghe, 6-1, 6-2 sa 66-minutong laro para kumpletuhin ang first all-American US Open final, sapul nang talunin ni Serena Williams ang kapatid na si Venus noong 2002.

“It still doesn’t feel real. I’m still shaking,” ani Keys. “I played pretty well. There’s a lot of things in my head right now so I’m struggling to come up with words. “I knew I had to rise to the occasion. I’m just happy to be in the final.”

Maghaharap ang magkaibigan sa Sabado sa Arthur Ashe Stadium para sa top prize na $3.7 million.