Una sa Balita

US official kinastigo sa pang-iinsulto sa Pinay

By
0 2

Umani ng batikos mula sa mga netizens sa buong mundo ang Twitter post ni Arkansas Gov. Mike Huckabee laban sa Pinay na katulong ni Democrat presidential candidate Hillary Clinton.

Ilang oras bago ianunsyo ang resulta ng eleksyon sa Estados Unidos, sinabi ni Huckabee sa kanyang twitter account na sakaling si Clinton ang manalo, ang Filipina na katulong nito na si Marina Santos ang magiging punong abala sa Central Intelligence Agency (CIA).

Si Santos na siyang palaging inaatasan ni Clinton na tumanggap at mag-print sa mga itinuturing na sensitibong government e-mails at iba pang mga dokumento kahit pa wala itong security clearance.

Abante Hiring – IT dep

Patutsada ni Huckabee, hindi na umano kailangan pa ni Santos ng training sakaling italaga ito ni Clinton bilang head ng CIA sa kadahilanang ngayon pa lamang aniya na wala pang clearance ang naturang overseas Fi­lipino Worker (OFW) ay may access na ito sa mga classified documents.

Si Huckabee ay dating republican candidate, pero natalo ni Donald Trump na sa kasalukuyan ay katunggali naman ni Clinton para sa presidential post sa Estados Unidos.

Ayon sa isang netizen na si Txnewsprincess @txnewsprincess “@GovMikeHuckabee Her Filipino maid would be a) more Christian than you, b) smarter than you and c) nicer than you.”

Una nang iniulat ng New York Post na noong naupo bilang Secretary of State si Clinton ay inaatasan nito si Santos, na mag-print ng mga sensitibong government e-mails at dokumento mula sa ta­hanan nito sa Washington.