Una sa Balita

US, Nokor nagpalitan ng akusasyon 

By ,
0 182

Nagbatuhan ng maanghang na salita sina U.S. Secretary of State John Kerry at North Korean Fo­reign Minister Ri Yong-ho kaugnay ng posibleng panibagong nuclear test ng Hilagang Korea.

Sa ulat ng AFP, iginiit ng Pyongyang na anumang desisyon kaugnay sa gagawin nitong panibagong nuclear test ay nakadepende sa magiging asal ng Amerika.

Sinisisi ni Ri ang Estados Unidos na dahilan kung bakit umano na-udlot ang denuclearization sa Korean Peninsula.

“Whether we conduct additional nuclear tests is entirely up to the United States,” ani Ri.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More