Una sa Balita

US Navy Seventh Fleet commander sa Asia sinibak

By
0 1

WASHINGTON/TOKYO — ­Sisibakin sa puwesto ang commander ng Seventh Fleet ng US Navy matapos ang naganap na deadly collision sa pagitan ng isang destroyer at tanker sa kara­gatan ng Singapore nitong Lunes, ang pinakahuli sa serye ng aksidente, ayon sa defense official. 

Ang desisyon na alisin si Vice Admiral ­Joseph Aucoin mula sa posisyon sa Japan ay may kinalaman sa isinasagawa ng Navy na fleet-wide global investigation matapos ang naganap na aksidente nitong Lunes na kinasasakutan ng USS John S. McCain, na 10 sailors ang nawawala at lima ang nasaktan.

Ang Seventh Fleet, na binubuo ng mga ships, submarines at aircraft, ay ang centrepiece ng US military presence sa Asia, na nagsasagawa ng mga sensitive missions tulad ng operations sa South China Sea at sa paligid ng Korean peninsula.

Si Admiral Aucoin ay naging commander ng fleet simula pa September 2015 at nasa navy na ito simula pa noong 1980.

Samantala, ­nakakita ng palutang-lutang na hindi pa nakikilalang bangkay ang Malaysian Royal Navy malapit sa lugar ng pinagbanggaan ng USS John McCain destroyer at oil ­tanker na Alnic MC habang pa­punta sa Singapore para sa isang port call.