Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

US Navy sa China: Bantay namin kayo!

0 112

Nagpamalas ng gilas ang US Navy matapos na buntutan ang isang Chinese warship sa South China Sea.

Nabatid na parehong may aircraft carrier strike group sa East at South China Sea ang Amerika at China. Noong Linggo ay naglabas ng litrato ang US kung saan pinakita ang guided-missile destroyer nito na USS Mustin habang binubuntutan ang Chinese warship sa East China Sea.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Ayon sa ilang nag-oobserba sa mga kaganapan sa South China Sea, pinapakita ng Amerika na hindi ito nasisindak sa China.

Ang pagbuntot umano ng US Navy sa Chinese warship ay tila sinasabi umano na binabantayan ng Amerika ang galaw ng China.

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.