Una sa Balita

US Navy namaril sa Pearl Harbor saka nag-suicide

0 346

Sugatan ang tatlo katao matapos mamaril ang isang US Navy sailor sa makasaysayang military base sa Pearl Harbor, Hawaii noong Miyerkoles.

Ayon sa India Today report, nagpakamatay ang hindi pa pinangalanang Navy matapos ang pamamaril alas-2:30 ng hapon (oras sa Hawaii).

Pawang mga sibilyan ang tatlong biktima na nagtatrabaho sa US Department of Defense, dalawa sa kanila ay nasa kritikal na kondisyon.

Hindi pa muna inilalabas ang pagkakakilanlan ng mga biktima maging ng salarin hangga’t hindi pa naipapaalam sa kanilang mga kaanak ang nangyari.
Nagpahayag naman ng kalungkutan sa trahed­ya si Governor David Ige.

Aniya, iniimbestigahan na ng mga security force sa Joint Base Pearl Harbor Hickam ang insidente. (Issa Santiago)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More