Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

US Navy binida mga Pinoy sa photo exhibit

0 42

Dahil sa 120 taong tapat na serbisyo ng mga Pilipino sa United States (US) Navy, binigyang pugay sila sa pamamagitan ng photo exhibit sa California, USA na isinagawa sa isang decommissioned airtcraft carrier.

Ayon kay Capt. Leopoldo Albea, isa sa may pinakamataas na katungkulan sa U.S Navy, napakahalaga ng exhibit na sakay ng isang retired aircraft carrier dahil sa pamamagitan ng mga litrato ay inilalarawan ang kasaysayan ng mga Pinoy sa ship.
Taong 190 ay ginawa nang pormal ni President William McKinley ang ad hoc arrangement para sa pagbuo ng Insular Force ng U.S. Navy, kung saan binigyan ng awtorisasyon ang Secretary ng Navy na mag-recruit ng 500 katutubo mula sa Guam at Pilipinas.

Bukod dito, may kampanya rin silang mapangalanan ang unang US Navy ship sa isang Pinoy sailor kay USS Telesforo dela Cruz Trinidad, na ginawaran ng medal of honor noong 1915.

Si Trinidad na dating fireman 2nd class sa US Navy ay binigyang parangal dahil sa naging aksiyon nito sa Mexican waters malapit sa La Paz, habang sakay ng USS San Diego noong January 21, 1915. (Dolly B. Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.