Una sa Balita

US naglabas ng travel advisory sa Palawan dahil sa terror threat

By
0 6

Naglabas ng travel advisory ang embahada ng Estados Unidos sa Pilipinas para paalalahanan ang kanilang mamamayan na iwasang magtungo sa probinsya ng Palawan dahil sa terror threat.

Sa abisong inilabas ng US embassy nitong Martes, may natanggap umano silang ‘credible information’ na target ng mga terror groups ang pagkidnap sa mga banyagang turista na nasa Puerto Princesa City at iba pang lugar na nasasakupan ng Puerto Princesa Subterranean River National Park sa Palawan.

“US citizens are advised to carefully consider this information as they make their travel plans and to review personal security plans, avoid large crowds and gatherings, and remain vigilant at all times,” ayon sa travel advisory na inilabas ng Regional Security Office ng US embassy.

Pinaalalahanan din ang kanilang mamamayan hinggil sa inilabas na Worldwide Caution ng Estados Unidos noong March 6, 2017 kung saan binalaan ang lahat ng US citizens na mag-ingat dahil target ng terror attack at karahasan ang mga mamamayan ng Amerika.

Ayon sa abiso ng embahada, target ng mga terorista ang matataong lugar tulad ng sporting events, theaters, public markets, mass transportation systems tulad ng airlines, mga matataong nightclubs, shopping malls, bus terminals at iba pang pampublikong lugar