Una sa Balita

US naglaan ng $5M sa NAIA security upgrade

By
0 569

TINIYAK ng US Embassy sa Maynila na makiki­pag-ugnayan sila sa Pilipinas para mapabuti ang aviation security matapos ang ipinalabas na travel advisory ng Department of Homeland Security sa Ninoy Aquino International Airport.

“The United States actively supports Philippine efforts to improve security. For example, the U.S. State Department has approved $5 million for airport security improvements at Ninoy Aquino International Airport (NAIA) to include critical training and technology improvements; the U.S. Transportation Security Administration (TSA) has provided Aviation Security Advisors to the Philippine government to assist with development and implementation of corrective measures at NAIA; and TSA conducted an analysis of NAIA security operations and provided recommendations on technology use and maintenance, streamlining screening operations, and modernization of NAIA security infrastructure.” ayon sa statement na inilabas ni US Ambassador to the Philippines Sung Kim nitong Huwebes.

Umaasa si Kim na mapapantayan din ng NAIA ang security standards ng ICAO. Ang ICAO o International Civil Aviation Organization, ang air transportation body ng United Nations.

Inamin ng Department of Transportation (DOTr) na nakakuha lamang ng ‘generally satisfactory’ ang NAIA sa ginawang inspeksyon ng TSA ng US Department of Homeland Security kaya’t naglabas ng travel advisory ang Estados Unidos na hindi umano epektibo ang mga security measure ng pangunahing paliparan sa Pilipinas.

Dahil dito, tinitiyak ng ahensiya na bibigyan nila ng sapat na prayoridad ang nasilip na kakulangan sa airport at magpatupad ng mas mahigpit na seguridad para sa mga pasahero.

Katuwang ng DOTr ang Manila International Airport Authority (MIAA) at Office for Transportation Security (OTS) sa pagsasaayos ng mga kakulangan sa paliparan at pagbili ng mga sapat na makinarya para sa seguridad na mayroon sa ibang mga mala­laking airport.

Kabilang sa rekomendasyon ang paglalagay ng bagong equipment gaya ng mga X-ray machine, walk-through metal detector, at alarm system na kailangan sa mga malalaking paliparan na wala o kulang ang NAIA.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy