Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

US nagbigay ng P710M spy drone sa ‘Pinas

0 108

Natanggap na ng Philippine Navy (PN) ang walong drone na nagkakahalaga ng P710 milyon mula sa Amerika.

Ibinigay ng mga opisyal ng US kay PN chief Vice Admiral Giovanni Carlo Bacordo sa isang seremonya sa Sangley Point, Cavite City nitong Miyerkoles ang Insitu ScanEagle 2 unmanned aerial systems.

Ayon sa PN, magsisilbing “eye in the sky” ang mga naturang drone para sa mas mahusay na pagpapatrolya sa karagatan nationwide.

Maliban sa drone, kabilang sa package na binigay ng US ang dalawang launchers, isang skyhook at ground control station.

Nauna nang nagbigay ang US ng P867 milyong missile sa bansa. (IS)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.