Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

US magkakaloob ng 102M ayuda sa ASEAN

0 178

Ipinahayag ni US President Joe Biden na handang magkaloob ang Estados Unidos ng $102 milyong tulong para sa mga bansang kasapi ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN).

Inanunsiyo ito ni Biden sa virtual meeting ng mga lider ng ASEAN at ng taunang US-ASEAN Summit na ginanap noong Martes.

Bahagi umano ito ng pagpapalawak ng US-ASEAN strategic partnership upang matulungan ang rehiyon na makabangon mula sa pandemyang dulot ng COVID-19, matugunan ang climate crisis at para sa pagpapaunlad ng ekonomiya.

Sa US-ASEAN virtual summit, muling tiniyak ni Biden ang suporta ng US para mapalakas ang partnership nito sa mga bansang kasapi ng ASEAN.

Leave A Reply

Your email address will not be published.