Una sa Balita

US, Israel kumalas sa UNESCO

By
0 12

Kumalas na sa United Nations Educational Scien­tific and Cultural Organization (UNESCO) nitong Huwebes ang Estados Unidos at kaalyadong Israel dahil sa umano’y ‘anti-Israel bias’ ng organisasyon.

“This decision was not taken lightly, and reflects US concerns with mounting arrears at UNESCO, the need for fundamental reform in the organization, and continuing anti-Israel bias at UNESCO,” paliwanag ni US State Department spokeswoman Heather Nauert.

Minsan nang namaalam sa culture and education body ng UN ang US noong administrasyon ni da­ting Pangulong Ronald Reagan noong 1984 dahil sa umano’y financial mismanagement at pagiging anti-US ng ilang polisiya ng organisasyon.

Bumalik naman sa organisasyon ang US noong 2002 nang ipag-utos ito ni President George W. Bush subalit muling umasim ang relasyon noong 2011 nang mapikon si President Barack Obama sa pagtanggap sa Palestine bilang full member ng orga­nisasyon.