Una sa Balita

US Embassy sarado bukas

By
0 4

Walang transaksiyon sa US Embassy sa lungsod ng Maynila bukas, araw ng Biyernes, Disyembre 30, bilang pakikiisa sa paggunita ng bansa ng Araw ni Dr. Jose Rizal, ang pambansang bayani.

Ipinahayag ng US Embassy ang kanilang anunsiyo sa pag-post sa kanilang Facebook account.

Nabatid sa US Embassy, maging ang affiliated offices nila ay wala ring pasok sa nasabing araw.

Balik normal sa tran­saksiyon ang US Embassy sa Enero 3, 2017.