Una sa Balita

US Embassy sa Beijing pinasabugan ng maliit na bomba

By
0 736

Pinasabog ng isang lalaki ang maliit na homemade bomb sa labas ng Embahada ng Amerika sa Beijing, C­hina na naging dahilan ng pagkakasugat ng suspek.

Makikita sa mga la­rawan sa mga social media site ang makapal na usok at mga sasakyan ng pulisya na nakapalibot sa embahada matapos ang insidente.

Naglabas ng paha­yag ang Beijing Police Department sa kanilang website na kanilang pi­nangalanan ang suspek na si Jiang, 26-anyos, na taga-Tongliao City sa Chinese region ng M­ongolia.

Sugatan ang kamay ng suspek matapos nitong pasabugin ang bomba, ala-una nang tanghali, na gawa sa mga firework.
Patuloy na iniimbes­tigahan ang motibo sa pagpapasabog na walang nasira sa embahada at wala ring nasaktang mga tao.