Una sa Balita

US Embassy nagpatayo ng classrooms

By
0 4

Nagtayo ang US Embassy ng ilang silid-aralan na may kakayahang lumaban sa oras na tumama ang magnitude 8.5 na lindol sa lalawigan ng Leyte.

Pinangunahan ni U.S. Ambassador to the Philippines Sung Kim ang pagpapasinaya sa siyam na silid-aralan sa Anahaway Elementary and Anahaway National High Schools sa munisipalidad ng Palo, Leyte kasama si Palo Municipal Mayor Remedios “Matin” Petilla.

Maliban dito, nagtayo rin ng livelihood training center ang embahada ng Amerika sa pamamagitan ng United States Agency for International Deve­lopment (USAID) sa Tacloban City.

Ipinagmalaki ni Kim na ang nasabing silid-aralan ay kayang tanggapin ang malakas na hangin na aabot sa 360 kilometers per hour at lindol na magnitude 8.5.