Una sa Balita

US elections pinakakansela ni Trump

By
0 1

Kung si Republican presidential candidate Donald Trump ang tatanungin ay dapat nang itigil ang nakatakdang eleksyon sa susunod na buwan sa Estados Unidos.

Ito ang patuloy na pagkuwestiyon ni Donald sa kredibilidad ng halalan sa Amerika sa paniniwalang walang dapat na manalo sa eleksyon kung hindi  siya.

Sa kaniyang rally sa Ohio, iginiit ni Trump na dapat kanselahin na lamang ang halalan na nakatakda sa darating na Nobyembre 9 at ideklarang ito ang panalo.

“Just thinking to myself right now, we should just cancel the election and just give it to Trump,” sabi ni Trump.

Idinagdag pa ng business mogul na napakalaki umano ng pagkakaiba ng mga polisiyang ipinapangako ng katunggali nitong si Hillary Clinton.