Una sa Balita

US Dapat Turuan Ng Leksiyon — Duterte

0 1,416

DAPAT matuto ng leksiyon ang Amerika dahil sa ginagawa nitong pambu-bully at panghihimasok sa usapin ng Pilipinas.

Ito ang tugon ni Pangulong Rodrigo Duterte sa tanong kung ano ba ang natutunan ng gobyerno sa mga ginagawa ng Estados Unidos sa bansa gaya ng ginawang pagkansela sa visa ni Senador Ronald ‘Bato’ dela Rosa.

Sa exclusive interview ng Russia Today, sinabi ng Pangulo na masyadong minamaliit ng US ang Pilipinas at tinatrato ang mga Pilipino na walang kakayahang ipatupad ang hustisya.

Ang hindi aniya alam ng mga Amerikano, mayroong sariling republika ang bansa at nilabanan ng mga Pilipino ang mga ito noong panahong sinakop ng Amerika ang Pilipinas.
“It should be the US who would learn the lesson from
us. Because they think that we are a backward country, that we are in vulnerable times we are incapable of dispensing justice. We have survived. In 1946 we are declared a republic and before that, we fought the Americans in their occupation,” anang Pangulo.

Ikinuwento ni Pangulong Duterte ang ginagawang pangingialam ng Amerika sa justice system ng Pilipinas sa pamamagitan ng kaso ni Senadora Leila de Lima at dinidiktahan ang gobyerno na palayain ito.

Pero ang hindi aniya alam ng mga Amerikano, si De Lima ay tumanggap ng drug money para pondohan ang kanyang panalo sa pagka-senador.

Sinakyan aniya ito ng oposisyon at mga komunista at pinalitaw sa kinawawa ang senadora kaya napaniwala ang mga Amerikano.

“The Americans simply do not believe that de Lima is incapable of receiving money and campaign contributions from druglords, and the opposition and the communist get together to invent and trumped up the charges to make it look like the government is persecuting her,” dagdag ng Pangulo.

Dahil dito, sinabi ng Pangulo na may mga ginawang pantapat ang gobyerno sa mga ginagawa ngayon ng Amerika para hindi habang panahon ay mimamaliit ang tingin sa Pilipinas at ito ay ang utos nitong pagbasura sa Visiting Forces Agreement (VFA). (Aileen Taliping)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More