Una sa Balita

US citizen puwede bang makabili ng lote?

By
0 2,124

Dear Attorney Claire,

My name is Faustino, isa po ako sa inyong tagasubaybay from province of La Union. Gusto ko po sanang itanong kung puwedeng makabili ng lupa ang isang naging US citizen at sa kasalukuyan ay nasa America siya at nagkasundo kami na bibilhin niya ang parcel ng aking ari-arian sa lawak na 1,500 square meters.

Gusto sana naming malaman kung ano ang dapat gawin at magiging pro­seso.

Sana po ay mabigyan niyo ng kaukulang linaw, salamat po.

Lubos na gumagalang,

Faustyn

***

Dear Mr. Faustyn,

Ang isang natural born Filipino citizen na naging foreign national na ay may karapatan pa rin na magmay-ari ng lupain sa Pilipinas ngunit limitado na nga lamang ito at may dapat na sukat upang mapayagan na maka­bili ng lupa.

Ayon sa ating batas partikular ang BP No. 125 ay maaaring bumili ang isang former natural born citizen ng lupa na may sukat na hindi hihigit sa 1,000 square meters kung ito ay nasa urban land (city) o kaya naman ay hindi hihigit sa 1 hectare kapag nasa rural naman kung gagamitin ito upang gawing tahanan (residential purposes only).

Ngunit kung balak namang gawin para sa isang investment, pinapayagan ng RA 8179 na mag-ari ang isang dating Filipino citizen ng lupa na may sukat na hindi hihigit sa 5,000 square meters kung urban land at 3 hectares sa rural areas. Ngunit kung mayroon na siyang lupa na inaari na sosobra sa nasabing sukat ay hindi na siya masasabing qualified na makabili pang muli ng lupa.

Tandaan din na dapat alamin kung ang lupa na binebenta ay walang restrictions dahil may mga lupa na nai-award lamang sa mga magsasaka bilang benepisyo sa ilalim ng Comprehensive Land Reform Law at may mga ipinagbabawal na paraan ng paglipat nito sa iba.

Kung may katanungan pa ay tumawag lamang sa 410-7624/922-0245 o mag-email sa attorneyclaire@gmail.com.