Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

US CDC nirekomenda pagbakuna sa mga edad 5-11

0 197

Inendorso ng US Centers for Disease Control and Prevention (CDC) ang pagturok ng COVID-19 vaccine sa mga batang lima hang­gang 11 taong gulang sa Estados Unidos.

Sa isang pahayag ng ahensiya, sinabi na inendorso ni CDC Direc­tor Rochelle P. Walensky ang rekomendasyon ng Advisory Committee on Immunization Prac­tices (ACIP) para turu­kan ang mga batang 5 hanggang 11-anyos ng Pfizer-BioNTech pediat­ric vaccine.

Sa ngayon umano ay nasa 28 milyong kabataan na sa Esta­dos.

Ayon sa CDC, maka­katulong ang pagba­kuna sa mga bata para mabigyan sila ng pro­teksiyon laban sa COVID at mababawasan ang panganib na dapuan sila nito.

Mapipigilan din umano ang hawaan ng COVID-19 sa loob ng mga paaralan at makatutulong ang pagbaku­na sa mga bata laban sa community transmis­sion ng virus.

Leave A Reply

Your email address will not be published.