Una sa Balita

US, Canada, Mexico host ng ‘26 World Cup

By
0 645

Tinalo ng North American trio ng US, Canada at Mexico ang Morocco para maging hosts ng 2026 World Cup.

Nagbotohan sa Russia kahapon bago ang siklab ng 2018 World Cup sa Moscow ngayon.

Balik sa US ang pinakamalaking torneo ng sport sa buong mundo sa unang pagkakataon sapul noong 1994, nakakuha ng 134 votes kumpara sa 65 lang ng Morocco.

Sinimulan na rin ni FIFA president Gianni Infantino ang diskusyon para gawing 48 ang competing teams sa 2022 mula sa 32 ngayong edisyon.

Pagkatapos ng final whistle ng ­torneo sa Luzhniki Stadium sa Moscow sa ­Hulyo 15, mababaling na ang atensiyon sa 2022 World Cup sa Qatar. Ginawa nang Nobyembre 21-Disyembre 18 ang iskedyul ng Qatar edition dahil napa­kainit ang disyerto doon kapag Hunyo. Naging 28 days na lang din ang 2022 World Cup dahil masasapul nito ang European club season.

Kasunod ng drug-testing scandal na nangibabaw noong 2014 Sochi Winter Olympics, sinabi ng FIFA medical committee na walang Russian ang itatalaga sa grupo na mangongolekta ng urine at blood samples, na agad ibibiyahe sa Lausanne, Switzerland para sa analysis.