US binasura vaccine passport

Tuluyang binasura ng pamahalaan ng United States ang pagbibigay ng vaccine passport.
Ayon kay US Press Secretary Jen Psaki, “The government is not now, nor will we be, supporting a system that requires Americans to carry a credential.” Dagdag nito, “There will be no federal vaccinations database and no federal mandate requiring everyone to obtain a single vaccination credential.”
Nais umano ng administrasyon ni President Joe Biden na maprotektahan ang privacy ng mga Amerikano at maiwasan ang hindi patas na paggamit ng vaccine passport na minungkahi upang ligtas umanong mabuksan ang mass gathering at pagbiyahe sa iba’t ibang bansa.