Una sa Balita

US Ambassador sa ‘Pinas, tulay sa Trump-Kim meeting

0 860

Ipinadala ng Estados Unidos sa North Korea si US Ambassador to the Philippines Sung Y. Kim upang ayusin ang nilulutong pag-uusap nina President Donald Trump at Kim Jong-Un.

Ayon sa Washington Post, si Sung Kim ay sinamahan nina Allison Hooker, Korea specialist ng National Security Council at isa pang opisyal ng Defense Department, sa pagharap kay North Korean Vice Foreign Minister Choe Son-hui.

Bagama’t ipinakansela na ni Trump ang miting kay Kim sa Singapore sa Hunyo 12, ang pagpapadala kay Sung Kim sa North Korea ay indikasyon na buhay pa ang posibleng paghaharap ng dalawa.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy